24 Following
twinklechoi

the eBookWhore

I sleep with a different book every night.

Lumayo Ka Nga Sa Akin

Lumayo Ka Nga Sa Akin - Bob Ong

Nakakatawa pa rin ba?

Kung ikukumpara sa mga naunang libro ni Bob, hindi nga gaanong nakakatawa itong "Lumayo Ka Nga Sa Akin", pero nandoon pa din yung pinakapaborito kong elemento. Yung mga eksenang talagang mapapasabi ka ng "OO nga". Yung mga eksenang nagpapamukha sayo ng mga katotohanang matagal mo ng alam pero di mo lang narerealize, o talagang in-denial ka lang.

Base sa pagkakaintindi ko, ang librong ito ay tungkol sa kalagayan ng "movie industry" at marahil maging ang mga "TV and drama series" dito sa Pilipinas. May punto naman talaga si Ginoong Bob Ong. Lalo na yung patungkol sa mga dekalidad na Pelikulang Pilipino na ipinapalabas tuwing MMFF na walang nanonood. At yung mga pelikulang medjo di naman talaga pang MMFF ang kalidad pero dinadagsa ng mga tao dahil lamang sa aesthetic value nito. Kunsabagay, kaya naman tayo nanonood ng pelikula ay para aliwin ang sarili natin at panandaliang makalimot. Subalit, hindi ba mas maganda kung habang nanonood tayo ng pelikula ay may nakukuha tayong aral, at hindi lamang basta ang kabutihan ay laging nananalo laban sa kasamaan, o mali ang mangabit sa asawa ng me asawa?
Hindi ba magandang may makabuluhan tayong natututunan?

Naaliw din ako dun sa parte kung saan parang ini-isa-isa ng librong ito ang mga elemento ng karaniwang Pinoy Action Movie. Bentang-benta sa'kin yun. Lumaki kasi ako sa henerasyon kung saan uso yung betamax, at madalas, kung betamax lalo na pag nasa probinsya at maraming manonood o parokyano, eh action movie ang ipinapalabas. Kaya nga nung nabasa ko yung unang kuwento, sobrang relate na relate na ako. Para nga namang may formula.

Siguro nga sobrang hibang na hibang ako sa mga pelikula at teleserye dahil karamihan sa mga pasimpleng references at patama ni Bob ay nakakarelate ako. Nakakaaliw. Nakakabaliw. Ganun din yung pakiramdam ko sa librong ito. Gusto ko, OO. Pero parang may kulang pa. Nakakaaliw nga, nakakabaliw din. .